Mga chinese feeling VIP sa NAIA

4 years ago 0 Comments

NARANASAN mismo ni Commission on Civil Service (CSC) Commissioner Aileen Lizada kung gaano paimportante ang mga Chinese sa bansa.

Nitong Huwebes, Mayo 2, nakapila si Lizada sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang makita niya ang apat hanggang limang Chinese na dumaan sa kanilang tabi at dumiretso sa X-ray machine.

“I was about to enter the pre-departure area, all the Filipinos there are properly falling in line, including me. Out of nowhere, four to five what appeared to be Chinese nationals, suddenly just breeze through the barrier,” kuwento ni Lizada.

“They were laughing and they were all looking at us, and dumeretso po sila sa X-ray,” ani ni Lizada.

Dahil hindi niya nakunan ng video ang pangyayari, humingi na lang ito ng kopya sa CCTV footage­s kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal.

“It does not look good on us that’s why sinabi ko ho sa OTS (Office of Transportation Security), and OTS immediately took action. ‘Yon lang ho ang point ko dito is we have our laws, na pinapasunod ho natin sa lahat ho ng mga Filipino citizen, they (foreigners) are not above the laws,” diin pa niya.

Kamakailan lamang ay lumabas sa social media ang Chinese na nakabangga ng sasakyan ng isang Pinoy. Napag-alaman na wala palang driver’s license ang Intsik pero malayang nakakapagmaneho ng sasakyan.

Noong Pebrero lamang, isang babaeng Chinese exchange student ang laman ng mga pahayagan matapos na tapunan nito ng taho ang pulis na naka­bantay sa MRT-3 station sa Mandaluyong.

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-chinese-feeling-vip-sa-naia.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi