Mga crematorium sa QC, puno na; katawan ng mga yumao sa COVID-19, hindi na nakukuha

3 years ago 0 Comments

Puno na ang mga crematorium sa Quezon City kaya’t hindi na nakukuha ang mga labi ng mga namamatay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), nilahad ni Dr. Esperanza Arias sa ABS-CBN nitong linggo.

Ayon sa Quezon City Health office, malaking hamon ang dumaraming bilang ng mga bangkay sa lungsod na hindi agad ma-serbisyuhan ng mga punerarya.

“Almost all ng crematorium dito sa amin, public or the private ones, puno ang schedule nila,” ani Arias.

“We are stretched to the mere maximum capacity of what we can handle.We are stretching our resources, to be able to meet the demands,” dagdag niya.

Nakikipagtulungan na ang naturang opisina sa iba pang pribadong crematorium para sa storage ng mga katawan.

Sa ngayon, tinitignan nila ang paglagak ng mga katawan sa freezer ng mga crematorium.

Gustuhin man nila aniya, hindi nila masunod ang patakaran na dapat ma-cremate na ang mga katawan sa loob ng 12 oras dahil wala nang lugar sa mga punerarya at crematorium.

“Ang hirap talaga na within 24 hours ma-cremate yun kasi nga po yung schedule ng mga cematorium. They’re filled to the brim so even if I wanted to cremate that within 24 hours, minsan yung linya nila, naka-waiting list kumbaga, hindi talaga kakayanin. Even if you get the machine going for 24 hours, hindi po talaga kakayanin and I don't think there’s a crematorium who will agree,” ani Arias.

Ayon kay Arias, kasunod ng balita na maraming mga katawan ang naiipon sa mga morgue ng ospital sa lungsod, dahilan din na hindi ma-proseso ng mga kaanak ang katawan dahil sa enhanced community quarantine.

Hindi naman pabor ang gobyerno na kuhanin lamang basta ang mga katawan dahil nirerespeto pa rin nila ang mga namatayan. Magiging problema rin ang magkakawalaang cadaver kapag nagkataon.

Paliwanag ni Arias, pwedeng magbigay ng letter of authorization ang mga namatayan sa mga kaanak o barangay kung sakaling hindi makalabas dahil sa enhanced community quarantine.

Sagot na rin ng lokal na pamahalaan ang gastos para sa mga mahihirap na mamamatayan dahil sa COVID-19.

“We give it in terms of the service na wala na po kayo iintindihin. Bibigay na po namin sa inyo yung abo at wala na po kayong iintindihin pa. Libre naman po samin,” ani Arias.

Humihingi naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Quezon City mula sa national government kung ano at paano nila sosolusyonan ang problema ng pagdami ng mga cadavers.

Sa ngayon, naghahanap muna ang lokal na pamahalaan ng mga crematorium na may malalaking freezers pero hindi sila sigurado kung pasok ito sa guidelines ng Department of Health.

“Were also asking national to tell us what can be and cannot be done. Baka mamaya naman we implement what the other countries are doing and then in the end they will tell us you are doing more harm than good,” ani Arias.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/04/18/20/mga-crematorium-sa-qc-puno-na-katawan-ng-mga-yumao-sa-covid-19-hindi-na-nakukuha

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi