Mga doktor umalma sa pagtaas ng bayarin sa PhilHealth

3 years ago 0 Comments

Pagkatapos ng mga OFW, mga doctor naman ngayon ang umaalma sa pagtaas ng kanilang bayarin sa Philippine Health Insurance Corporation(PhilHealth).

Ang mga doctor ay tinuturing na professional practitioners na direct contributors sa Philhealth. Ang PhilHealth Circular 2020-005 na siyang nagtaas sa premium payments ng OFWs ang siya ring circular na nagtataas ng premium payment ng mga doctor.

Ayon dito, direct contributors ang OFWs at mga professional practitioners at aabot hanggang P1,800 ang kanilang magiging premium contribution kada buwan ngayong taon na aabot sa P21,600. Sa 2021, magiging P2,450 ang kanilang monthly premium payment na aabot na sa P29,400 at itataas ito hanggang sa 2024 hanggang sa aabot na sa P5,000 ang kanilang monthly premium payment na magiging P60,000 sa isang taon.

Reklamo ni Navarro sa kanyang petition sa Change.org na pinamagatang Scrap the New Philhealth Premium for Physician Accreditation, sinusugal na nga nilang mga doktor ang kanilang buhay sa panahon ngayon at sila pa ang bumibili ng sarili nilang mga personal protective equipment at pati na kanilang mga pamilya ay nagsasakripisyo na rin.

Sabi ni Navarro, obligado pa silang mga private accredited healthcare professionals na magbayad ng P60,000 hanggang P100,000 para makakuha ng accreditation sa PhilHealth na mabigat na nga sa bulsa. Para sa mga government doctors, may deduction pa silang 5% sa kanilang mga sahod at matagal pang magbayad ang PhilHealth. ‘Pag minalas pa, hindi pa babayaran ng PHilhealth ang kanilang claims.

“During this COVID19 pandemic, we, the physicians of the Philippines are risking our lives to save our countrymen. We are paying for personal protective equipment out of our own pockets and most of all, our families also bear the brunt of the sacrifice,” sabi ni Navarro.

Umaasa siyang huwag na silang pabigatan pa ng malalaking gastusin dahil mayroon din silang mga anak na pinapaaral at magulang na inaalagaan at hindi dapat sa kanila pinasasagot ang pagpondo ng Universal Health Law na ginawang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aabot na sa 14,000 ang pumirma sa petition ni Navarro as of press time.

Sabi ni Stephen Portillo na pumirma sa petisyon, “hindi na nga kami importante, kami pa sasalo sa charges na to. Ang hirap mong pagsilbihan Pilipinas! Nakakasawa na.”

Hirit naman ni Johanna Dizon, “Bayanihan po, huwag talangkaan please. Tulungan ang mga nagtratrabaho huwag pahirapan.

Sabi pa ni Cecille Lee, “grabe naman kayo na nga ang nalalagay sa panganib ang buhay tapos kailangan niyo pang magbayad.”

Sabi naman ni Jesus Bryan Cepedoza, “we are not the milking cow.”

Reklamo pa ni Rem Reyes na sumuporta rin sa petisyon, “I work at a government facility and I am not even paid according to my salary grade since I am under contract of services. The monthly salary is delayed and at the beginning of every year it is delayed for 3 months. On top of that I pay taxes. This payment scheme from the PHIC would be an additional burden for me and all the healthcare professionals who are in the same situation I am.”

Suhestiyon naman ni Josephine Clemen, “close down PHilhealth…benefits of the paying member is the same with the nonpaying (indigents) contribution ang laki, tax pa na 24% plus 3% to 5% mandatory ng PHilhealth 30% agad.”

Sabi pa ni Jansen Mancera sa pagpirma niya sa petisyon, “I’m supporting this because this is another form of social injustice.” (Eileen Mencias)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-doktor-umalma-sa-pagtaas-ng-bayarin-sa-philhealth.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi