Mga fan nagprotesta: Salonga binalewala sa ‘Mulan’

3 years ago 0 Comments

Magkasunod ang mga hashtag na #BoycottMulan at #LeaSalonga kahapon sa mga na­ngunguna o patok na trending sa Twitter kahapon.

Ang dahilan, ang bida raw kasi sa Mulan ay sumuporta sa mga pulis sa Hong Kong sa pagtuligsa, o pananakit sa mga inosenteng nilalang sa Hong Kong.
Heto nga ang halos pare-parehong mensahe na mababawa mo sa Twitter.

“The actress of Mulan Liu Yifei supports Hong Kong Police, who suppress the Hong Kong protests and Police Brutality to citizens. It’s time to stand with human rights, people who believe in freedom should boycott Mulan.”

Well, ang isa pang ikinainis ng mga fan ay ang pagkakapili raw kay Moira dela Torre na umawit ng theme song ng Mulan, ang Reflection, sa halip na si Lea Salonga, para sa local release ng pelikulang ito.

“No offense to Moira, but hello? Lea Salonga is still here!” sabi ni rabbit boy.

Sabi nga ni Francis Mabborang; “Lea Salonga is the original singer of Reflection. Christina Aguilera popularized the song just like Demi Lovato did for Let It Go even if Idina Menzel is the original singer of Let It Go.”

“We are just stating the fact that Lea Salonga is the only one who can slay that song, Reflection,” tweet naman ni Julia Valdez.

Giit naman ni Clarrita; “Lea Salonga is not yet retired nor dead. Bring the kween back bitcheszzz!”

Well…

Kapamilya namigay ng wheelchair, gamot sa Baguio, Palawan

Mas marami pang Pilipino ang nakaramdam ng kalinga mula sa Kapamilya Love Weekend” ng ABS-CBN na nakapaghatid na ng serbisyo at saya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Baguio, isa sa mga natulungan ng ABS-CBN sa pamamagitan ng libreng medical at dental services, job fair, at livelihood seminars si Maribel Balcita at ang anak niyang si JR. May hypoxia si JR, isang sakit kung saan may kakulangan ng oxygen sa utak. Sa panayam sa kanya sa “TV Patrol,”

ipinahayag ni Maribel ang pasasalamat niya na makakuha ng libreng gamot, makapagkonsulta sa doktor, at mabigyan ng wheelchair ang anak.

Sa Palawan naman, natulungan ang magkapatid na sina Angela at JP na parehong may club foot o may deformity sa paa. Kapwa may sugat ang mga paa ng magkapatid dahil sa madalas na pagapang, at dahil sa pagbisita ng “Kapamilya Love Weekend” sa kanilang lugar, nasuri at nabigyan ng lunas ang iniindang sakit.

Bukod sa medical check-ups at libreng gamot, inalok din sa naturang “Kapamilya Love Weekend” ang libreng optical, dental, at laboratory services, libreng gupit, at libreng bakuna para sa alagang hayop.

Nakapag-ikot na ang “Kapamilya Love Weekend” sa iba’t ibang barangay sa buong bansa para mas maraming kababayan ang maabot at mapaglingkuran ng ABS-CBN.

Isa lang ang “Kapamilya Love Weekend” sa maraming public service activities na inilunsad at isinasagawa ng kompanya sa mahigit anim na dekada nitong paglilingkod sa mga Pilipino. Paraan ito upang maipaabot ng Kapamilya network ang pasasalamat nito sa kanilang pagmamahal at suporta sa nakalipas na 65 taon.

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-fan-nagprotesta-salonga-binalewala-sa-mulan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi