Mga fan ni John Lloyd durog ang puso dahil kay Ellen

3 years ago 0 Comments

Hati ang reaksyon ng mga netizen nang malaman na mayroon na palang bagong nagpapatibok sa puso ni Ellen Adarna. Matagal nang espekulasyon na mayroon na itong bagong dyowa at kinumpirma na nga ito ng aktres sa isang panayam sa kanya.

Sa pagkakakuwento pa ni Ellen, taga-Spain ang kanyang ka-date ngayon pero hindi niya kasama dahil naka Long Distance Relationship sila dulot ng quarantine.

Hindi niya na idinetalye pa kung sino nga ba ang lalaking iyon pero hinala ng karamihan ay iyon si Carlos Lemus na umano’y pinadalhan niya ng sweet e-card nitong April 2.

Medyo nadurog naman ang puso ng ilan sa mga netizen na umaasa pang magkabalikan sana sina John Lloyd Cruz at Ellen. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-fan-ni-john-lloyd-durog-ang-puso-dahil-kay-ellen.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi