Mga fan ni Joshua boykot sa Julia, Gerald movie

4 years ago 0 Comments

Palapit nang palapit ang araw kung kailan ipapalabas ang pelikulang pinagbibidahan nina Julia Barretto at Gerald Anderson. At halo-halo ang reaksyon, emosyon na nararamdaman ng mga fan.

May iba na excited makita si Julia na iba ang kapareha, at si Gerald nga raw ‘yon. Pero, marami rin ang hindi pabor, at hindi maintindihan kung bakit kailangan pang bigyan ng movie sina Julia at Ge-rald, samantalang mainit na mainit naman ang tandem, love team nina Julia at Joshua Garcia.

Mas hinahanap nila ang tambalang JoshLia, na wala pa ngang balita kung kailan magkakaroon ng project na magkasama.

Sunod-sunod din ang mga post ni Julia kaugnay sa pelikula nila ni Gerald, na kahit sa Instagram story nito ay ‘yon pa rin, at wala man lang tungkol sa kanila ni Joshua.

Well, mukhang nangangamoy-boykot ang mga fan ni Joshua sa movie na ito nina Gerald at Julia?

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-fan-ni-joshua-boykot-sa-julia-gerald-movie.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi