Nagtataka ang mga tagahanga ni Marian Rivera kung bakit daw sa rami ng teleserye o iba pang programa ng GMA-7 ngayon na ipinapalabas muli, ano ang dahilan na wala sa mga teleserye ni Marian ang muling umeere.
Certified top-rater rin nga naman kung ang pag-uusapan ay matataas na ratings to qualify for airing. Nagtataka rin sila kung bakit daw yung halos recently lang naipalabas at nagtapos, yun muli ang ipinapalabas.
Ilan sa mga hindi makakalimutang teleserye ni Marian ay ang Marimar, Dyesebel, Darna at iba pa.
Isa sa fan ni Marian na may Twitter handler na @PinaysInShowbiz ang nag-tweet na, “ME to Marian’s IG: I wish gmanetwork would replay your shows, add your sitcoms bcoz your comedic skills are (bright, explosive).”
Napamura pa ito at tila kinukuwestiyon ang network sa pagsasabing, “which ass do we need to kiss para ipalabas kahit isa man lang na show ni Primetime Queen sa TV?”
Nagsunuran na sa comment sections ang iba pang Marian fans na nagtataka rin at may iba’t ibang opinyon.
Pero sa lahat, ang nakakuha ng atensiyon namin sa post na ito ng fan ni Marian, ang pagla-like mismo ng Mister ni Marian, si Dingdong Dantes.
Sa isang banda, abang-abang na lang din at baka isa na sa naka-line-up ang isa sa past shows ni Marian. Kung kami ang tatanungin, siguro ay isa sa maganda rin na ipalabas ng network ang Marimar at Darna.
Kathryn pinasalamatan ng ‘Heaven’ author
Hindi na namin makita sa comment section ng Instagram post ni Kathryn Bernardo ang pasasalamat sa kanya ng Internationally renowned author/novelist na Mitch Albom.
Posibleng dahil naka-limited kasi ang comment section ni Kathryn, imposible naman sigurong i-delete nito ang “thank you” reply ni Mitch Albom sa post niya.
Pero may nakapag-screenshot ng comment ni Mitch Albom at umani rin ng halos 2,000 likes sa comment lang nito na thank you.
Hitsura naman kasing naging “endorser” si Kathryn ng naturang author nang i-post nito sa kanyang IG account ang iba’t ibang book titles nito na paborito naman talaga ng karamihan, lalo na ng mga book lover talaga.
Ngayong naka-quarantine, ang pagbabasa ng libro ang isa sa pinagkakaabalahan ni Kathryn at ine-encourage nga niya ang mga follower niya na magbasa.
Sey niya sa caption niya, “Please do yourself a favor and make time for this book, which is a sequel to “The Five People You Meet In Heaven.”
Ang librong tinutukoy niya ay ang “The Next Person You Meet In Heaven.”
At papuri pa ni Kathryn sa International Author na tinag nito, “@mitchalbom, you are an amazing storyteller. I am officially obsessed with your books.”
Source From:https://www.abante.com.ph/mga-fan-ni-marian-iritada-sa-gma.htm