Mga foreign doctor rumaraket sa ‘Pinas

4 years ago 0 Comments

IKINABAHALA ng isang senador ang natanggap na ulat na isang sindikato ang nagpapasok ng mga dayuhang doktor upang manggamot at magtrabaho bilang medical consultant sa bansa kahit walang permit.

Malinaw na paglabag ito, ayon kay Sen. Richard Gordon, sa Republic Act 2382, o Medical Act of 1959, at Republic Act No. 8981, o PRC (Professional Regulatory Commission) Modernization Act of 2000.

Dahil dito, iminungkahi ni Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang malalimang imbestigasyon ng Senado hinggil sa naturang isyu.
Lumalabas na sindikato ang nangangasiwa sa pag-employ kahit na walang working permit ang Pakistani at Nepa­lese nationals bilang medical consultants sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH), isang government hospital sa Olongapo City.

“I am concerned because they are allowed to deal with patients on a one-on-one basis, they prescribe medicines. The patients hardly understand them. Marami na kong natanggap na reklamo tungkol dito na nakumpirma namin. Are they supervised by Filipino doctors? Are they even allowed to practice medicine here? As I understand it, we only have a reciprocity principal with Japan, Spain and the United States, inclu­ding ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Mutual Recognition Arrangements,’’ ayon kay Gordon.

“Una, Chinese wor­kers ang kumukumpetensya sa mga worker­ natin, ngayon mga doktor naman. Dapat matigil ito because this concerns the health and well-being of the public and I fear that this is being practiced not just in Olongapo but in other areas too,” dagdag pa niya.

Batay sa Section 7 ng Republic Act No. 8981, may kakayahan ang Professional Regulation Commission na mag-apruba ng registration at mag-isyu ng certificate ng registration/license at professional identification card sa isang foreigner.

May kapangyarihan din ang PRC na magsampa ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno o pribadong institusyon na puma­yag na magtrabaho ang isang professional kahit walang permit. (Lorraine Gamo)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-foreign-doctor-rumaraket-sa-pinas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi