Mga health worker babawalan mag-abroad

3 years ago 0 Comments

Ikokonsulta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kung ligal na ipatigil ang pagtatrabaho sa ibang bansa ng mga health worker na nasa frontline para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ipinahayag ito ng Pangulo sa kanyang mensahe sa sambayanang Pilipino Lunes ng gabi subalit nilinaw nito na kaya nais niyang ipatigil ang pag-abroad ng mga health worker ay dahil ayaw niyang umuwi ang mga ito sa bansa na patay na sanhi ng COVID-19.

Masakit din umano para sa kanya na ngayong nangangailangan ng manpower ang ibang bansa dahil sa COVID-19 pandemic ay mabilisang binibigyan ng kinakailangang travel document ang mga health worker.

“Ang problema, sabi ko, we’ll have to look into this again. It has to be this week, maybe two days from now, we’ll have to meet again and consult legal, si Guevara whether or not it would be legal for us to just stop the migration of health workers simply because they are being taken in a place where there is so much… kawawa yung Pilipino eh,” anang Pangulo.

Sabi ng Pangulo, mas balido ang rason para pigilang mangibang bansa ang mga health worker dahil sa panganib sa kanilang kalusugan at kaligtasan.

“It’s a more valid reason to stop a doctor or a nurse, than the previous one which said that we will be deprived of workers. No leg to stand on, actually. But, this one if I send you to a war front, the enemy is the COVID, the microbes, eh parang maawa ako,” anang Pangulo.

Sinabi pa nito na ayaw niyang umuwi sa bansa ang mga health worker na nakasilid na sa kabaong.

“Please don’t misunderstand me, I am making it clear now, I don’t want you to go there and come back in a coffin. That’s my only argument if you may because you are Filipinos at mahal ko ang mga buhay ng kababayan ko. The COVID is here to stay,” Duterte said.

Matatandaang inihayag noon ng Pangulo na baka maubos ang mga health worker sa bansa kapag nag-abroad ang mga ito. Subalit inamin din nito na hindi niya masisisi ang mga Pilipinong medical professional na nais magtrabaho sa ibang bansa dahil sa tumaas na demand sa kanila sanhi ng COVID-19 pandemic. (Prince Golez/PNA)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-health-worker-babawalan-mag-abroad.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi