They do not approve of his politics, iyan naman ang nakuha naming impormasyon kaya umano ayaw magbigay ng direktang pahayag nina Danny Javier at Buboy Garovillo, hinggil sa naging eskandalong kinasangkutan ng kaibigan nila at dating kasama sa APO singing group na si Jim Paredes.
Matigas pa rin kasi sa pagbibigay ng sisi ang kontrobersyal na singer-critic sa pamahalaang Duterte sa naging pagkalat ng kanyang video scandal. Ito’y matapos niyang tawaging ‘fake’ kapagdaka’y aaminin din naman.
Nalulungkot man daw ang mga dati niyang ka-tropa sa kanyang sinapit, mas nanaig daw ang inis at tila galit ng mga ito sa nangyari dahil sa mga reaksyong kahit saan tingnan ay may indirect effect sa nagawa nila bilang mga music icon ng bansa.
Imposible nga naman daw kasing everytime na mapakinggan natin ang mga gawa nilang kanta o mga kinanta nila eh hindi natin maalala si Jim? At kapag naalala natin si Jim, mereseng may boses din sina Buboy at Danny, tiyak na sasagi sa atin ang video scandal ng una.
At malamang, baka meron pa daw mainis, matawa, magalit o baka nga masuka pa dahil sa kakaibang inasal ni Jim sa naturang scandalous video na ‘forever’ na raw magiging bahagi ng social media, gaya ng mga awitin nila!
May mga iba ngang walang magawa na nilagyan ng scoring ang naturang scandal, using APO’s song/s. Tawagin man natin silang mga bastos at walang pinag-aralan, may dapat ba tayong sisihin sa posible pang ‘pagdayurak’ sa mga kanta nila?
ER palaban pa rin
Matindi ang mga binitawang pahayag ni Laguna re-electionist Gov. ER Ejercito laban sa mga Aquino, kay Gov. Ramil Hernandez at iba pang kalaban nito sa politika. But one good thing about this actor-politician is that he stands firm to what he said.
Hindi siya nagde-deny o nagpapabago-bago ng pahayag sa mga nasabing usapin, kaya’t may plus point siya pagdating sa consistency.
At kahit ilang beses na rin siyang nainterbyu at nagbigay presentasyon o proof sa mga isyung ibinato sa kanya, matapang at palaban pa rin ito.
Naaalala bigla namin nu’ng araw ang katapangan ni dating President Mayor Erap Estrada. Kung ikukumpara sa ngayong kampanyahan ang tikas ni ER sa mga pinsan niyang sina Jinggoy at JV, na kapwa tumatakbo ring Senador, sasabihin nga naming karakter na karakter si ER.
Nakakatakot, pero nakakabilib ang pamumulitika!
Source From:https://www.abante.com.ph/mga-kanta-ng-apo-nababoy-buboy-garovillo-danny-javier-galit-kay-jim-paredes.htm