Mga Kapamilya fan bawal sa ‘It’s Showtime’, ‘ASAP’

3 years ago 0 Comments

Tulad ng “Eat Bulaga”, atras na rin sa pagbibigay ng espasyo ang ABS-CBN sa mga fan na gustong makapanood ng mga live show nila.

Eh, sa totoo lang, karamihan pa naman sa mga tao na gustong manood sa mga show ng Dos ay mula sa ibang bansa, o ‘di kaya ay probinsya. Hindi rin kasi ganoon kadali ang makapasok sa mga live show nila, na kailangan mo talagang magparehistro muna sa online, o website nila, bago ka tuluyang makapasok sa mga studio nila.

Pero, heto nga ang kanilang mensahe:

“Nagdesisyon ang ABS-CBN na pan­samantalang ihinto ang pagpapapasok ng studio audience sa mga palabas nito simula ngayong araw (10 March 2020) matapos magdeklara ang gobyerno ng state of public health emergency.

“Kabilang sa mga apektadong prog­rama ang “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay,” “Banana Sundae,” “I Can See Your Voice,” at “iWant ASAP.”

Well, sabi ko nga, mas magandang maging maingat habang maaga pa, kesa magsisi sa bandang huli. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-kapamilya-fan-bawal-sa-its-showtime-asap.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi