Mga ‘laruan’ ni Ogie ipinaubaya na kay Angel

3 years ago 0 Comments

Pinakawalan na ni Ogie Alcasid ang maraming collections niya ng iba’t ibang cartoon, animated, costume movies para lang sa bagong project ni Angel Locsin, ang “Shop & Share” upang makabuo ng pondong pambili ng COVID-19 testing kit.

Nakaposte sa Facebook ni Ogie ang larawan nang hindi mabilang na collection niya ng miniature toys mula kay Mazinger Z (Japanese animated series), Star Wars at kung anu-ano pa.

Halos kasabay ng kanyang karera sa showbiz ang pag-iipon ng mga collection ni Ogie.

“Been collecting these for 24 years…time to let go of some items so someone else may take care and also more power Angel Locsin,” sabi ni Ogie.

Kamakailan ay binuksan muli ni Angel ang dating fund-raising project na binuo para sa mga nasalanta ng Ondoy, ang “Shop & Share” kung saan lahat ng mga pre-loved items ng mga donor (artista, basketbolista, at iba pang personalidad) ay iu-auction.

Ang lahat ng kikitain ay gagamiting pambili ng COVID-19 testing kit.

Mababasa sa comments na marami agad ang intresadong bumili ng ilan sa mga collection ni Ogie.

Asahang marami pa ang magbibigay ng kanilang mga pre-loved items para tulungan si Angel sa kanyang bagong advocacy. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-laruan-ni-ogie-ipinaubaya-na-kay-angel.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi