Mga manok ng Iglesia sa Senado ilalantad na!

4 years ago 0 Comments

Ilalabas na ng religious group Iglesia ni Cristo (INC) ang listahan ng mga kandidato sa pagka-senador na kanilang susuportahan sa May 13 midterm elections.

Ayon sa ulat ng politics.com.ph, Martes nang gabi ilalabas ng Sanggunian ng INC ang sample ballot na naglalaman ng pa­ngalan ng 12 senatorial candidate at ipapakalat naman ito sa kanilang mga lokal para sa worship service ngayong Miyerkoles.

Kilala ang INC na sumusunod sa nilalabas na listahan kaya’t nagkakaroon sila ng ‘bloc voting’.

Ang religious organization na pinamumunuan ni Executive Minister Eduardo V. Manalo ay sinasabing mayroong 2.6 hanggang tatlong milyon na botante.

Noong 2016 Presidential Elections, sinuportahan nila ang kandidatura ng noon ay Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Nanalo si Duterte pero natalo ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo si Marcos sa manipis na lamang. (JC Cahinhinan)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-manok-ng-iglesia-sa-senado-ilalantad-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi