MATINDING trauma ang inabot ng mga missionary ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) sa Los Angeles at Hawaii compound matapos ang sorpresang pagsalakay ng mga armadong federal agent dahil sa alegasyong nagsasagawa ang mga ito ng human trafficking at illegal fundraising.
Base sa mga interbyu, nasubuan umano ng mga maling impormasyon ang FBI na nagsasabing armado ang mga miyembro ng KJC at may mga taong minamaltrato sa loob ng mga compound nito.
Sinabi ni Annabelle Juarana, 45-anyos, may 26 taon nang missionary na kagigising lang niya nang maganap ang pagsalakay. Winasak umano ng mga federal agent ang kanilang pintuan at tinutukan sila ng mga baril na may red laser light. “In all my 26 years as a missionary sent all over the world for the Kingdom, I had never experienced anything like this,” aniya.
Ayon naman kay Kapitanna, 22, ipinanganak sa Lancaster, California at may limang taon nang missionary sa KJC, pinapila sila sa labas at pinosasan habang may mga helicopter na umiikot sa compound: “This was something that we only saw in the movies and now it was happening to us. We’re just church missionaries here, we have no guns or anything. We have nothing to hide.”
Puwersahan umano silang inipon sa labas ng worship center habang isinasailalim sa interograsyon at tinanong pa sila kung puwersahan silang nagsasagawa ng fundraising at kung kinumpiska ng KJC ang kanilang mga pasaporte. Maging ang mga matatanda o senior citizen nilang miyembro ay pinapila umano sa labas nang walang suot na jacket.
“They told me they were informed that we had heavily armed guards here. We told them they were misinformed about us here. They were very apologetic and said they were just doing their job,” ani Jennifer Callao.
Kaparehong trauma ang sinapit ng kongregasyon sa Waipahu, Hawaii, na kasabay na sinalakay ng may 50 FBI agent.
Ayon kay Chelcey Guerrero, tinutukan pa sila ng baril ng dalawang FBI agent kahit karga niya ang kanyang 1-taong gulang na anak na si Moanna. Habang ang kanyang 80-anyos na ama na si Rolando Guerrero na hindi na nakakarinig ay tinutukan din nang hindi nito maintindihan na kailangang itaas ang kamay ayon sa utos ng raiding team.
Ang pagsalakay ay isinagawa ng FBI sa Van Nuys gayundin sa mga compound ng KJC sa San Francisco, Delano, Virginia, Houston, Missouri, at New York. Ang magkakasabay na raid ay isinagawa base umano sa isinumiteng affidavit sa United States District Court ng ilang dating miyembro ng KJC. Binisita rin ng FBI ang mga pioneer member ng KJC na nagsisilbi bilang part-time missionary at tinanong tungkol sa mga alegasyong immigration fraud.
Mahigpit nang itinanggi ng liderato ni Pastor Apollo C. Quiboloy, executive pastor ng Kingdom of Jesus Christ, ang mga akusasyon at sinabing nag-ugat ito sa “grand conspiracy of lies concocted by men and women who were once part of KJC but struck an alliances with forces jealous of the meteoric rise of Pastor ACQ and the KJC.”
“The truth will come out and we will vigorously defend the KJC administrators unsupported charges. We look forward to our day in court,” ayon naman sa legal counsel ng KJC na si Atty. Israelito Torreon. Nakikipagkooperasyon umano ang KJC sa US authorities para malinawan ang asunto.
Source From:https://www.abante.com.ph/mga-misyonaryo-ni-quiboloy-na-trauma-sa-fbi-raid.htm