Mga opisyal, kawani sa barangay bigyan ng COVID subsidy

3 years ago 0 Comments

Hiniling ni Albay Rep. at House Ways and Means Chairman Joey Salceda kay Pangulong Duterte at sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na lawakan ang mga tatanggap ng ‘Covid-19 emergency subsidy’ at bigyan ng ‘frontline status’ ang mga opisyal at kawani ng barangay, kasama ang secretary, treasurer at tanod upang makatanggap din ng ayuda.

Iginiit din ni Salceda sa IATF na tiyaking patas na matulungan ang mahihirap na pamilya. Binanggit niya na gumagamit ng iba’t-ibang lista ang mga ahensiya ng pamahalaan kung saan paulit-ulit na kasama ang miyembro ng ilang pamilya na doble-dobleng nabibiyayaan, samantalang marami ang hindi nabibiyayaan.

“Kapag sobra ang nakuha ng ilang pamilya, malamang kulang o walang makuha ang iba, lalo na ang pinaka-mahihirap. Maku-kumpromiso nito ang layunin ng ‘quarantine’ dahil ang mga hindi natutulungan ay mapipilitang lumabas at dumiskarte ng ikabubuhay at maaaring mahawa at maging tagahawa ng Covid-19,” paliwanag niya.

Isa ang mambabatas sa mga pangunahing nagpanukala sa Kongreso ng karagdahang P200-bilyong badyet na ayuda sa mga magigipit ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) para labanan ang Covid-19 pandemic.

Pinasalamatan ni Salceda ang IATF sa pagtanggap nito sa rekomendasyon niyang isama ang mga nagpapa-susong ina, buntis at drayber ng traysikel sa mga aayudahan.

Sa liham niya sa Pangulo, ipinanukala din ni Salceda na isama ang mga opisyal at manggagawa ng barangay – chairman, kagawad, ‘secretary, treasurer,’ tanod at ‘Barangay Health Workers’ (BHW) sa mga bibigyan ng ‘frontline status’ at ayuda sa panahon ng krisis ngayon.

Sa kanyang liham kay Pangulong Duterte, hiniling ni Salceda na maisama sa mga tatanggap ng P8,000 ‘unitized ESP’ .

“Nais naming matiyak na maayudahan ang mga nasa ‘informal sector,’ lalo na ang mga drayber ng traysikel na halos walang kita na nakaeaang mga linggo,” madiin niya pahayag. (Eralyn Prado)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-opisyal-kawani-sa-barangay-bigyan-ng-covid-subsidy.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi