Mga Pinoy aangal ‘pag pinayagan mga Chinese magtrabaho

3 years ago 0 Comments

Tiyak na maraming Pilipino ang aangal kapag pinayagan ng gobyerno na magbukas na ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni House Minority Leader Bienvenido “Benny” Abante Jr sa pagbabalik ng operasyon ng POGO sa gitna ng pinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang panig ng bansa.

“Kung hayaan natin makabalik ang POGO sa gitna ng krisis na ito, marami ang magtatanong bakit ang mga foreigner na ito pwede magtrabaho, kami hindi? Government would be sending conflicting signals to the public regarding the Enhanced Community Quarantine (ECQ),”ayon kay Abante.

Bukod sa hindi umano maituturing na ‘essential industry ‘ang POGO, marami pa itong hindi naresolbang isyung kinakaharap tulad ng hindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Nauna nang sumulat si Pagcor chair Andrea Domingo kay Pangulong Duterte para buksan na ang POGO. Nakiusap rin sa Inter-agency Task Force si ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap na pabuksan na ang mga POGO pero hindi ito pinarating ng task force kay Pangulong Duterte, ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez (Eralyn Prado)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-pinoy-aangal-pag-pinayagan-mga-chinese-magtrabaho.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi