Mga pulis kinasahan ng Kadamay chair

3 years ago 0 Comments

Kinondena ng samahang Kadamay ang ginawa ng kapulisan na pag-aresto sa ilang miyembro nito dahil sa paglabag sa quarantine protocol sa Lungsod ng Quezon sa kalagitnaan ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Kadamay national chairperson Bea Arellano na kanilang kinokondena ang nangyari sa mga residente sa lungsod.

“Yan po ba ang emergency power ng Pangulo ilang hakbang lang sa DILG nagugutom” pahayag ni Arellano nang tanungin kung ano ang kanyang reaksyon sa nangyari.

Sinabi nito na mahirap pilitin na manatili ang mga mahihirap na pamilya sa loob ng kani-kanilang bahay habang sinusugpo ng gobyerno ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung kulang naman ang binibigay na relief goods ng pamahalaan.

Inamin nito na may Kadamay na nasa lugar nang mangyari ang insidente ngunit iginiit nitong `maski hindi kadamay yan.’

Sinabi pa ni Arellano na “hindi na kailangang buyuin ang nananawagan ng pagkain. Nilabas nila ang panawagan sa loob ng kanilang tahanan.”

“‘Pag nabalitaan nila maski chismis na may namimigay, tatakbo talaga ‘yan dahil nga po sa nararamdaman ngayon,” pahayag pa nito.

Sinabi pa nito “Kung kumakalam ang tiyan, hindi na talaga maiisip ang social distancing lalo na at maliliit ang bahay ng mga ito.”

Matatandaang nagkagulo sa Sitio San Roque sa Barangay Bagong Pag-asa kamakailan matapos umanong udyukan ng Kadamay ang ilang pamilya sa lugar na lumabas sa mga kalye upang humingi ng ayuda kahit na mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan ang paglabas dahil sa enhanced community quarantine. (Riz Dominguez)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-pulis-kinasahan-ng-kadamay-chair.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi