Mga tatamaan sa bus terminal ban sa EDSA pumalag

4 years ago 0 Comments

PUMALAG ang isang grupo ng mga commuter na pawang Bicolano na nakabase sa Metro Manila sa nakatakdang total ban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga terminal ng bus sa EDSA sa Hunyo ng taong kasalukuyan.

Ipinahayag ng mga ito ang kanilang hinaing kay Ako Bicol Party-list Congressman Atty. Ronald “Bobby” Ang.

Kaugnay nito ay maghahain ng resolution si Congressman Ang upang kuwestiyunin at pagpaliwanagin ang MMDA sa iniuumang na total ban ng mga bus terminal sa EDSA.

Partikular ang mga bumibiyahe mula probinsya ang target ipagbawal sa buwan ng Hunyo.

Sinabi ni Ang na naka-draft na ang resolution at kapag nasa pinal na ito ay ihahain na niya ito sa Kamara.

Ang hakbangin ni Ang ay dahil na rin sa maraming reklamong natatanggap ng kanyang tanggapan mula sa kanyang mga kababa­yan sa Bicol, na kabilang sa tatamaan ng provincial bus ban.

Kung saan panibagong pasakit na naman aniya ang ipapatong sa kanila, dahil bukod sa doble gastos sa pamasahe, mas mahirap ang mararanasan nila sa pagko-commute kapag naipatupad na ang nasabing regulasyon.

Nabatid, na kamakailan ay inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA, na kinabibila­ngan ng mga Metro Manila ma­yor, na hindi na bibigyan ng business permit ang mga kompan­ya ng bus na ang terminal ay matatagpuan sa EDSA. (Armida Rico)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-tatamaan-sa-bus-terminal-ban-sa-edsa-pumalag.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi