PINAALALAHANAN kahapon ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga airline company na siguraduhin ang ginhawa ng kanilang mga pasahero na dadagsa sa mga paliparan kasabay ng paggunita ng Semana Santa.
Sa isang panayam kay Monreal, pinaalalahanan niya ang mga airline company na istriktong sumunod sa itinakdang oras ng pag-alis at pagdating ng mga eroplano.
Idinagdag pa ng opisyal na simula ngayong Linggo inaasahan na ang pagdagsa ng mga domestic flight passenger sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kasabay nito ay muling nagpaalala si Monreal sa mga ipinatutupad sa paliparan katulad ng hindi pagdadala ng mga ipinagbabawal na mga kagamitan.
Muli ring binanggit ng opisyal na ang mga pasahero ay pinapayagan lamang magdala ng likido na 100ml sa kanilang hand carry. Ang mas malalaking liquid container ay kailangang i-check in para maiwasan ang aberya.
Source From:https://www.abante.com.ph/miaa-gm-sa-mga-airline-sumunod-sa-oras-ng-departure-arrival.htm