Misis, kalaguyong brgy. chairman pinakulong

4 years ago 0 Comments

KALABOSO ang isang misis at ang kalaguyo nitong barangay chairman mataposm silang mahuli sa aktong magtatalik sa loob ng isang hotel sa Barangay Caanawan, San Jose, Nueva Ecija noong Martes nang umaga.

Kinilala ni San Jose Police Station comman­der Police Lt. Col. Heryl Bruno ang mga suspek na sina Ma. Cecilia Tubiera, 32-anyos, at Librado Dulay, barangay chairman ng Caanawan.

Ayon kay Bruno, sinundan si Tubiera ng kanyang mister hanggang sumakay ng bus at narinig ng lalaki na makikipagkita ang misis kay Dulay sa isang hotel.

Nang makumpirma na nasa loob na ng hotel sina Tubiera at Dulay ay tumawag ng mga pulis ang mister.

Dito nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at inabutang hubad sina Tubiera at Dulay na nasa aktong magtatalik dakong alas-11:35 nang umaga.

Tumakbo pa umano si Dulay sa loob ng banyo pero nasukol din ito.

Nakakulong ngayon ang ginang at si Dulay sa detention cell ng San Jose Police Station at kasong adultery ang isasampa laban sa kanila. (Allan Bergonia)

Source From:https://www.abante.com.ph/misis-kalaguyong-brgy-chairman-pinakulong.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi