Misis ng negosyante panic buying din

3 years ago 0 Comments

HINDI lang mga ordinaryong Pilipino ang nag-panic buying matapos isailalim sa enhanced quarantine ang buong Luzon kundi pati na rin ang kilalang negosyante sa bansa.

Ang inutusan ng negosyante na mag-shopping sa supermarket ay ang tisay nitong misis.

Naispatan ni Mang Teban ang larawan ng misis ni businessman na nakapila sa counter para bayaran ang mga pinamili.

Take note, umabot yata ng sampung shopping cart ang ginamit ng kumander ng negosyante.

Bawat shopping cart ay umaapaw ang laman at posibleng nagkakahalaga ng P10,000 ang pinamili sa bawat cart.

Siyempre, kasama ni tisay ang kanyang mga muchacha na siyang tagatulak ng cart.

Pintahan n’yo na. Ang negosyanteng nag-panic buying dahil sa pinatupad na lockdown sa Luzon ay Filipino-Chinese at may letrang D sa kanyang pangalan.

Source From:https://www.abante.com.ph/misis-ng-negosyante-panic-buying-din.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi