Mislatel gagawaran ng 3rd telco award sa Palasyo

4 years ago 0 Comments

IPINAHAYAG ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary for Operations Eliseo Rio Jr. na ibibigay na ng gobyerno sa darating na Lunes ang lisensiya sa 3rd telco na Mislatel Consortium para makapag-operate sa bansa.

Ayon kay Rio, nakatakdang i-award sa Mislatel na pagmamay-ari ng negosyanteng si Dennis Uy ang kanilang tinatawag na Certificate of Public Convenience and Necessity gayundin ang pagkakaloob ng Frequency to Operate na gaganapin sa Malacañang sa Lunes kasunod na rin ng pag-apruba sa prangkisa nito mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Aniya, mayroong limang taon na ‘commitment’ ang 3rd telco kung kaya’t inaasahang mas magkakaroon na ng magandang kompetisyon sa hanay ng mga telecommunication company sa bansa.

Napag-alamang tuloy-tuloy ang isinasagawang paglalagay ng Mislatel ng mga fiber optic cable at mga cell site sa iba’t ibang panig ng bansa katulad sa Metro Manila, Cebu at Davao. Inaasahang unang magkakaroon ng mga subscriber nito sa Metro Manila. (Riz Dominguez)

Source From:https://www.abante.com.ph/mislatel-gagawaran-ng-3rd-telco-award-sa-palasyo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi