Montgomery super selos: Lovi Poe nahuhumaling kay Hyun Bin

3 years ago 0 Comments

Maraming netizens ang natutuwa sa pagseselos ng boyfriend ni Lovi Poe na si Montgomery Blencowe sa South Korean actor na si Hyun Bin.

Paborito kasing panoorin ni Lovi ngayong may ECQ ang K-dramas ni Hyun Bin. Sa pagkaka-describe nga ng aktres, latest obsession niya ang South Korean actor kaya naman nakakaramdam na ng selos ang American boyfriend nito.

“After watching ‘Crash Landing on You… ayoko nang manood ng ibang K-drama. I wanna stay loyal to Hyun Bin. Huwow! May relasyon?!” tweet pa ni Lovi.

Umabot pa raw sa puntong pinagsabihan na ni Montgomery si Lovi na tigilan na ang pag-post ng anything Hyun Bin sa social media accounts nito. Dapat daw ay siya lang ang number one sa buhay ni Lovi at hindi si Hyun Bin.

Natutuwa naman daw si Lovi dahil selos na selos ang boyfriend niya sa isang aktor na hindi pa niya nakikilala ng personal. In-assure naman ni Lovi kay Montgomery na hindi personal ang pagmamahal niya kay Hyun Bin kundi bilang aktor lang sa K-drama.

Bukod kau Lovi, ilang celebrities na rin ang na-in-love kay Hyun Bin tulad nila Yasmien Kurdi, Shaira Diaz, Lilet Esteban at Christine Bersola-Babao. Ultimo mga male celebrities tulad nila Aga Muhlach, Jason Abalos, Kristoffer Martin at Benjamin Alves ay tila kinilig din sa pagpapanood ng K-drama na bida si Hyun Bin. (Ruel Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/montgomery-super-selos-lovi-poe-nahuhumaling-kay-hyun-bin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi