Multo biglang sulpot sa virtual meeting

3 years ago 0 Comments

Mga ka-Misteryo ngayong uso ang virtual conference dahil sa kumakalat na Coronavirus ay sumasabay din ang paranormal activity tulad na lamang ng karanasan ni Jason ng Makati.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Sumalang sa virtual conference si Jason kasama ang kanyang mga boss nang sa gitna ng kanilang usapan ay may biglang sumulpot na multo.

Ito ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Jason.

Misteryo: “Paano biglang sulpot ng multo? Saan siya galing? Nakita mo ba?”
Jason: “Hindi ako makapaniwala pero nakita ko, lumabas siya sa screen ng laptop ko at tumayo sa tabi ko. Nabigla ako. Natakot ako kasi multo yung lumabas.”

Misteryo: “Anong ginawa mo? Nakita mo ba hitsura ng multo? Sinubukan mo bang kausapin?”
Jason: “Hindi ko nakausap kasi nakaharap nga ako sa virtual meeting namin kaya tinignan ko lang siya. Sandali lang siyang tumayo sa tabi ko at umalis na siya. Isa siyang lalaki na luma na ang damit niya parang 70s.”

Misteryo: “Hindi ka ba ginulo pagkatapos noon? Ito ba ang first time na nakakita ka ng multo?”
Jason: “Hindi naman first time matagal na ako nakakakita ng multo o mga spirit pero ngayon ko lang nakita na ang multo galing sa screen ng laptop.”

Bihirang karanasan ang naidulog ni Jason sa Misteryo pero maaari ngang maging lagusan ng mga multo o ispiritu ang screen ng laptop, computer at maging telebisyon.

Para sa mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa [email protected] Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Source From:https://www.abante.com.ph/multo-biglang-sulpot-sa-virtual-meeting.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi