Murray nag-sorry sa ‘BJ’ video

3 years ago 0 Comments

HUMINGI ng paumanhin si Denver Nuggets guard Jamal Murray sa hindi kanais-nais na video na nai-post sa kanyang Instagram account.

Biktima raw ang 23-year-old ng hack.

Sabado ng gabi ay biglang nai-post sa account ni Murray ang video ng isang lalaki na ino-oral sex ng isang babae.

Nai-post ‘yun at siguradong nakita ng karamihan sa kanyang halos 500,000 followers. Trending bigla si Murray, pero sa maling paraan.

Kasunod ng video ang iba pang walang katuturang posts. Maya-maya, na-deactivate na ang account.

Hindi nabanggit kung sino ang mga nasa video, pero sa Twitter ay nag-apologize si Murray.

“First and foremost I would like to apologize to my fans. My account has been hacked, currently working on the issue. Thanks,” aniya.

Binura na rin ng girlfriend ni Murray na si Harper Hempel ang kanyang Instagram. Nasa college pa ang dalawa sa Kentucky ay nagde-date na.

“If you have the video please delete it.” Pakiusap din ni Hempel sa Twitter. (VE)

Source From:https://www.abante.com.ph/murray-nag-sorry-sa-bj-video.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi