Sumakit ang ulo ko nang mapanood ko ang statement ni Mystica tungkol sa demandang kinakaharap niya na isinampa ni Arnell Ignacio. Kung sa mga unang video niya ay nagrereklamo siya na hirap na siya sa gastos sa pagbili ng araw-araw na kanyang kakainin ay iba naman ang sinasabi niya ngayon, na kesyo marami siyang pera na pambayad sa abogado para sa mga kakaharaping kaso. Na kesyo sampung batikang abogado raw ang pinagpipilian niya para ipagtanggol siya sa husgado at maintindihan ang mga kasong ito.
Naloka ako sa tuloy-tuloy na pagtatalak ni Mystica na hindi na yata binigyan ng pagkakataon chikahin siya ng mga host ng programa at hindi nila ito masaway to the point na nagmumura pa ito na ikinabahala ng mga host. Sila na lang ang humingi ng dispensa sa mga listener nila sa pagmumura ng artista.
Kaya sa mga magi-interview kay Mystica sa radio o telebisyon ay ingat kayo at baka masara programa ninyo sa pagmumura nito.
Ruru ini-enjoy ang pamilya
May realizations si Ruru Madrid habang naka-quarantine sa bahay bunsod ng COVID-19 pandemic. Kuwento ng aktor, mas nalaman niya ang importansya ng pamilya sa mga ganitong sitwasyon.
“Because of COVID-19, na-realize ko na dapat every single moment, ini-enjoy na natin. I mean, ‘yung mga panahon na puwede pa nating sabihin sa mga taong mahal natin na mahal natin sila, sabihin na natin hangga’t kaya nating sabihin. Kasi, hindi natin alam kung ano ‘yung mangyayari, sabi niya.
Source From:https://www.abante.com.ph/mystica-10-abogado-ang-itatapat-kay-arnell.htm