Sugatan ang talong mag-iina habang arestado naman at dinala sa National Center for Mental Health (NCMH) ng mga tauhan ng barangay ang kanilang padre de pamilya matapos nitong pagsasaksakin ang kanyang misis at dalawang anak, sa Tondo, Maynila kahapon.
Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 35-anyos na ginang at dalawang anak nitong babae na nasa edad edad 12 at 8 dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Baty sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:55 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa bahay ng mag-anak.
Sa kabila na may tama ng saksak, nagawa ng ginang na makasigaw at humingi ng tulong kaya nakapagresponde kaagad ang mga opisyal ng barangay.
Nabatid sa kapatid ng suspek na dumaranas umano ng depresyon ang kanyang ama ng pamilya at dahil sa umiiral na enhanced community quarantine hindi na nila ito napasuri sa doktor dahilan para mas lalong lumala ang sakit nito sa pag-iisip. (Juliet de Loza-Cudia)
Source From:https://www.abante.com.ph/naburyong-ama-sinaksak-ang-pamilya.htm