Nadine natakot sa kakaibang ugali ni James

3 years ago 0 Comments

Kaya bumitaw pansamantala:

Ni Rose Garcia

Isang reliable source ang nakausap namin na may “know-how” rin sa mga nangyayaring talaga between James Reid and Nadine Lustre.

Kumpirmadong nag-break nga raw talaga ang dalawa, since marami pa rin sa mga fan ng dalawa ang naniniwalang baka for publicity lang ang break-up, dahil very visible pa rin ang mga ito na magkasama.

Pero wala raw third party talaga sa break-up. Iba raw ang dahilan ng break-up ng dalawa, which is, sey ng source namin, more on sa side ni James ang problema.

Not falling-out-of-love or anything, pero ilang attitude raw nito na feeling daw ni Nadine, need i-work-out or baguhin ni James para rin dito.

At sa tanong kung bakit parang wala namang nabago, bakit parang hindi dumaan si Nadine sa pagkalungkot man lang, ang dahilan daw kasi, okay pa rin talaga ang dalawa at lagi pa ring magkasama, wala na nga lang munang commitment sa isa’t isa. Parang kanya-kanya muna sila ngayon ng mga priority.

‘Yung picture na pinost ni Lauren Reid na magkakasama sila with their other barkada and Nadine and James, sa bahay raw ‘yun ni Nadine sa Rockwell.

Agree ang source namin sa nangyaring break-up sa dalawa, although, rooting siya na ang mga ito na sana ang magkatuluyan. Feeling niya raw, mas makakatulong talaga na mag-break muna, lalo na sa part daw ni James at ma-realize nito kung ano ang mga “role” ni Nadine sa buhay niya.

Same goes with Nadine na sey ng source namin, sobrang laki ng trust at bilib kay James na gagawin ang lahat para rito. In fact, ‘yung desisyon daw ni Nadine na kumalas na sa VIVA ay advice ni James sa ex-girlfriend.

Pero feeling naman namin, kahit pa payo ni James o kung sino man ang naging desisyon ni Nadine, at the end, si Lustre pa rin naman ang talagang masusunod o responsable sa kahit anong gawin o desisyon niya.

Source From:https://www.abante.com.ph/nadine-natakot-sa-kakaibang-ugali-ni-james.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi