Nadine super selos sa James-Nancy lambingan

3 years ago 0 Comments

Ipinasilip na ang patikim sa magiging tambalang James Reid at Nancy McDonie ng Momoland. Maraming litrato ang kumakalat sa social media na makikitang sinimulan na nga ang look-test para sa kanilang special project together na pinamagatang “The Soulmate Project”.

Kinilig na agad ang mga fan sa ilang pasulyap na mga picture nila together dahil makikita kung gaano na nga ka-close ang dalawa. Mayroon pang nakayakap si James kay Nancy, which is mas evident ang kanilang chemistry together.

Pero dahil sa paglabas ng ilang mga kuha mula sa tambalang James and Nancy, nabigyan pa rin ito ng mga fan ng kahulugang maaaring may koneksyon sa cryptic post ng ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Nitong nakaraan lang kasi ay may mga IG story si Nadine na tila may ipinapahiwatig. Palagay ng ilang fan na connected ang IG story ni Nadine na “so it begins…” kamakailan dito sa pagsisimula ng tambalang James and Nancy.

Ngayon nga lang ay may panibagong cryptic post ng aktres kung saan makikitang mag-isa siyang nasa dagat (silhouette lang) with caption na “wish you were here”.

Mukhang hindi pa nga talaga makabitaw si Nadine kay James. Ayon naman sa lumabas na pahayag ni James sa isang magazine kung saan pareho sila ni Nadine na subject ngayon, inamin niyang mahal pa niya si Nadine.

Kaya ang tanong din ng mga fan ay kung nagseselos kaya si Nadine? Kumusta na kaya siya sa gitna ng pagkalat ng pictures nina James and Nancy together?

Iniisip naman ng iba na baka nagsisisi na si Nadine sa pagbitaw kay James.

Well, ngayong wala na ang JaDine, maaari na nga kaya ulit tawaging JaNcy ang tambalan nina James and Nancy? O magbabalikan silang dalawa? (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/nadine-super-selos-sa-james-nancy-lambingan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi