Dear Abante,
Magandang araw po.
Habang nagbabasa po ako ng Abante nitong nakaraang araw ay napansin ko ang naging reaksyon ng ilang mga grupo sa naging pahayag ni Sir Antonio Parlade ng AFP ukol dito sa pagbibigay ng pondo ng European Union.
Sa totoo lang bilang isang public administration student na may prinsipyo at may lehitimong ipinaglalaban, nakuha ang atensyon ko ng pahayag na ito. Dahil kahit ako ay nagtataka din kung saan nanggagaling ang pondo ng mga organisasyong ito.
Nagsalita na ang Karapatan at IBON Foundation na dalawa sa mga binanggit ni Mr. Parlade. Sabi nila wala daw basehan ang sinasabi ng AFP. Pero sa aking obserbasyon, may punto ang gobyerno sa sinasabi nila. Hindi naman magsasayang ng oras ang Pilipinas sa pakikipag-usap sa EU kung wala silang konkretong ebidensya at patunay sa kanilang sinasabi. Isa pa, nangako na din ang EU na titigil na sila sa pagbibigay ng suporta sa mga non-government organization na ang layunin ay maghikayat ng kabataan na sumali sa NPA.
Nag-iingay ang dalawang grupong ito dahil mawawalan na sila ng pondo kapag tinotoo ng EU ang kanilang pahayag. Nag-iingay ang Karapatan, Kabataan party List at IBON kasi bistado na sila. Bistado na sila sa mga panloloko nila.
Nakakaawa lang po na may mga taong naloko ang grupong ito.
Salamat,
Winna Vista
Magkomento sa mga isyu ng bayan. Para sa inyong saloobin, mag-email sa [email protected] upang maipaabot sa mga kinauukulan.
Source From:https://www.abante.com.ph/nag-iingay-dahil-mawawalan-ng-pondo.htm