Nag-leak ng DOJ resolution vs Acierto tukuyin – Guevarra

4 years ago 0 Comments

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng Office of the Prosecutor General kung sino ang nag-leak ng resolution ng Department of Justice (DOJ) laban sa dating pulis na si Eduardo Acierto at pitong iba pa na isinangkot sa bilyong halaga ng shabu smuggling noong nakalipas na taon.

Ito’y matapos atasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang naturang tanggapan dahil na rin sa paniwalang ang nag-leak na impormasyon tungkol sa DOJ resolution ang dahilan kung kaya lalo pang nagtago si Acierto.

“He has been hiding since the Senate Blue Ribbon Committee chaired by Senator Gordon investigated the magnetic-lifter drug smuggling cases. I suppose that leaked information of his impending arrest made him hide all the more,” pahayag ni Guevarra.

Matatandaang nag-isyu ang Manila Regional Trial Court Branch 35 ng arrest warrant laban kay Acierto at pitong kapwa akusado sa kasong isinampa ng Department of Justice.

Kabilang sa pitong akusado sina dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban at dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director for Administration Ismael Fajardo; mga importer na sina Chan Yee Wah alyas KC Chan at Zhou Quan alyas Zhang Quan; mga consignee na sina Vedasto Cabral Baraquel Jr. at Maria Lagrimas Catipan ng Vecaba Trading; at Emily Luquingan. (Juliet de Loza-Cudia)

Source From:https://www.abante.com.ph/nag-leak-ng-doj-resolution-vs-acierto-tukuyin-guevarra.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi