Naglabas ng galit sa Twitter: Awra pinaasa, ginamit daw ng…

3 years ago 0 Comments

Tinapos ni Awra Briguela ang buwan ng April sa paglalabas ng kanyang sama ng loob sa Twitter world.

Mukhang na-in love o napaasa ba ang 16 year old na si Awra ng boylet na ang pangalan sa kanyang Twitter account at Feng dela Cruz o si Raffy dela Cruz, isang YouTuber raw.

Nilabas ni Awra ang ilan sa palitan nila ng text o chat messages. Ang pinagsisintir ni Awra, tila pinaniwala siyang “single” pa ito base na rin sa palitan nila ng messages. At napaasa rin siya nang humirit ito nang, “sabihan kita kapag tayo na.”

Sa sunod-sunod na tweet ni Awra, inilabas niya kung ano ang namagitan daw sa kanilang dalawa. Aniya, “Nag start kame mag-usap after ko mag-rt ng tweet nya then nag dm sya agad that time, Nag umpisa kame mag usap katapusan ng October.. So yes let me remind you all first, walang naging kame. Pero nag papakita sya ng motibo na parang merong kame alam ni feng yun sa sarili nya. Araw araw kame mag kausap? From “Good Morning” hanggang “Goodnight” mag kausap kame nag uupdate sa isat isa na parang meron talaga hanggang sa nag meet kame ng ilang beses… Maraming beses na kami nag kita at sobrang okay kame, Actually lahat ng friends ni feng alam ang totoo. Hindi kame naging okay after mag pakulay ng buhok and that time malapit na mag pasko, Bigla nalang syang walang paramdam sa lahat hanggang yung vlog ko inupload nya sa youtube nya dun lang sya nag paramdam at nag sorry kase alam nyang wala na kong balak iupload yun.

“Hindi na kame okay… for what??? pag inupload ko yun ng hindi naman na kame okay para saan??? Yes totoong inupload nya yung vlog sa youtube nya without my permission. Dahilan nya para daw mabili nya yung damit na gusto ko sa h&m. Hanggang sa nakasahod na sya at nag kita ulet kame wala naman syang nabigay saken.Which is hanggang sa nakasahod at nakuha niya yung silver play button ng dahil don sa video nayon umabot lang naman ng 1m+ sa youtube yon di niyo na makikita yung video kasi naka private na.

“Pero wala lang saken yun.. May time pa na magkikita kame sa mall sa manila kasama dapat si grae then ilang oras ako nag-antay sa kanya. Tawag ako ng tawag hanggang sa may sumagot na babae at sabi naiwan daw phone ni feng sa MRT which is nakuha ko yung phone nya and nag kita kame.. Pero alam mo ba lahat pala yun set up? Kase yung nag abot ng phone saken yun pala ang president ng fansclub nya and yes si feng ang mag utos nun na mag pretend na napulot nila phone ni feng, isa yun sa biggest lie na nagawa nila saken. Nagawa nilang iset up ako without any reason.”

May picture pa si Awra na magkasama sila, sa Megamall, kasama ang alam daw niyang pakilala sa kanyang mga kaibigan lang nito, pero nalaman daw niyang “jowa” pala.

Sey pa rin niya, “Ngayon this is the perfect time para malaman nyo na may jowa na si “Feng” 3years na sila ng Jowa nya at yun yung masakit saken kase nakasama ko na Jowa nya at pakilala nya saken friend lang. But to the fact na yung Jowa nya Supportive kay Feng sa lahat.. Imagine nung nakasama ko silang dalawa ang saya namen tapos Yung jowa nya supportive pa sameng dalawa.

“Nalaman kong may jowa siya kasi may mga nag dm saken at may mga proof pero hindi ko na idadamay mga names nila. And alam na ng Jowa nya na alam ko na and he admit it. Hindi ako gumawa ng thread about sa kanya para ihate nyo sya ginawa ko to para alam nyo na ang totoo at lahat yan totoo. Eto yung nag bonding kame kasama jowa nya na ang akala ko friend nya lang.

“Eto naman yung mga time na Set Up and ginawa nila saken, Yung babae yan lagi akong dinadrag/bash. Just to defend feng. Nag try din syang makipag Romeo saken that time, And yes kala ko okay na ko hanggang sa nalaman ko yung about sa Jowa nya. Last text namen. And hindi nya paren inamin yung totoo. Again hindi ako gumawa ng thread para ihate nyo isa samen. Ginawa ko to kase para alam nyo na ang totoo. Masakit lang na hanggang ngayon hindi pa ren sya umamin saken at nalaman ko lahat sa ibang tao. Which is lahat totoo.”

Naku, kung sa babae, isang young love, super sweet 16 ang drama ng lovelife ni Awra na sumasabay sa extended enhanced community quarantine, huh! Yun nga lang, comment ng netizen, “Si Awra ang agang lumandi. Si Feng, never heard. At least sumikat siya kahit sandali.”

***

Feng rumesbak sa batang komedyante

Dahil naman sa ginawang pagtu-tweet ni Awra, including ang mga screenshots niya ng palitan nila ng messages ni Feng dela Cruz, hindi rin nagpatalo ang huli at hindi ito nanahimik lang.

Naglabas din ng ilang screenshots ng convo nila ni Awra si Feng. At ayon dito, ayaw raw sana niya itong gawin na tila napilitan dahil sa sunod-sunod na post ni Awra.

Sey niya sa sunod-sunod na tweet din, “SA WALANG KULANG AT WALANG SOBRA (ayoko sana magpost pero) nag-quote tweet sya sa tweet ko, that time 1k-2k followers pa lang sya non, kaya as a concern filipino nag dm ako ako sa ig na kung may poser siya sa twitter pero di ako agad agad ng nagchat non. Hanggang sa nagbibiruan kami sa isat isa, laging magkausap.

“Ayoko talaga maglabas ng convo eh, wala pa kming isang linggo magkausap nento.”

Ang nakasaad sa convo nila para mapatunayan siguro na si Awra ang “push na push” talaga na maging sila, sinabi ni Awra na, “Basta ikaw.” Na sinagot niya nang, “You’re too young.”

At madalas din daw, si Awra ang may gusto na mag-call or facetime silang dalawa.

Sey pa niya,”Nov 8, nagkita kami labas ng viyzaar tas kumain, hanggang sa nagkita ulit kami, tas nag post siya sa ig ng pic namin and ang sabi nya sakin bakit ako daw hindi ako mag popost eh nag post siya ng pic namin. Hanggang dumating sa point na ako gumagawa ng RRL nya kesyo di nya daw alam, sa math din. Lagi kaming may gathering ng fandom ko, di ata pwedeng mawala sa isang linggo tas ayun yung time na hindi na kami nag kikita masyado. Umabot na sa blockan kasi nga gigil na gigil na sya don sa admin ko, (desisyon ko) tas inunblock ko bakit ko daw inunblock iblock ko daw ulit. Lahat ng nadidikit sakin pinagseselosan niya, gusto niya ipablock.

“Yung sa tiktok naman both gusto namin gumawa ng tiktok kasi tiktokerist kami hilig namin yon, simula nung nag ingay yung mga tiktok na yon nag lie low muna kmi. Noong time na nagpacolor pa kami ng hair ay pumunta sya sa school namin ng mas maaga sa pinagusapan namin knowing na may school work akong dapat tapusin — well informed naman sya, kaya ang ending derederetso sya pasok habang nagsho-shoot kami ng vid. tbh, hindi ko naman talaga ginusto na magkaroon kami ng issue pero ganun yung gusto mangyare ni awra sinabihan nya pa ako na mag terno kaming shirts and yung sweet moments ay para sa vlog nya dapat (nagapologize na ako sa kanya PRIVATELY kasi alam ko naman ang mali ko) na sya din yung may gusto.

“To sum it up, hindi ko naman nakikita na magiging ganito ang lahat. Awra, we should have talked privately since tayong dalawa ang may problema diba? Nag reach out naman ako sa’yo. I know at some part I’m at fault nasaktan kita unintentionally and nag sorry ako para doon.”

Dugtong pa nito, “Clinear ko pa sa’yo na we’re good and I offered you friendship. What happened? It was never my intention to hide Poli, I just want our relationship private and ganun din naman siya. Sabi nga nila we have the right to choose ano yung mga ipapakita natin in public and I guess hindi naman at kelan man magiging mali na magtira ng bagay na para sa amin lang ‘yung hindi kailangan ng validation galing sa iba. Also, sana beforehand cinonfirm mo muna ‘yung infos na nakukuha mo kasi tbh hindi naman lahat totoo na mislead lang ang mga tao. I speak the truth and nothing but the truth.

Source From:https://www.abante.com.ph/naglabas-ng-galit-sa-twitter-awra-pinaasa-ginamit-daw-ng-boylet.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi