Nai-excite sa face-to-face kay Coco: Edu mapait, matamis ang…

5 years ago 0 Comments

Ilang araw na lang at simula na ang kampanya para sa local officials. At ngayong linggong ito nga ay inaabangan na ang eksena ng paghaharap nina Edu Manzano at Coco Martin sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN 2.

Ang tanong ng bayan, papatayin ba talaga si Edu sa Ang Probinsyano,­ na ang role ay si President Lucas? Paano nga ba papatayin ang isang mahalagang papel, bilang presidente ng Pilipinas?

“Well siguro sa susunod na palabas, saka ko na papatayin si Cardo (Coco). Tapos papatayin ko rin si Lola Flora (Susan Roces). Pero, pahihirapan ko muna si Lola Flora,” pabirong bungad na kuwento ni Edu.

“Actually ito nga ang best kept secret talaga sa Pilipinas!” saad ulit ni Edu.

Wala ngang magli-leak, o pahi­watig man lang, sa kung ano na nga ba magaganap sa sandaling magharap na sina Edu at Coco. Eh, sa totoo lang, ‘yun ang inaabangan nga ngayon ng mga manonood ng Ang Probinsyano.

Pero, sigurado kayang maghaharap ba sila ni Coco? Face to face ba talaga?
“Finally mangyayari ‘yon. ‘Yun ang inaabangan nila, ‘di ba?

“At the same time, alam naman nila na tatakbo ako sa politika (sa San Juan). So, medyo nakita na nila, nag-i-intensify na ngayon ang prog-rama, papunta roon sa sinasa­bing paghaharap namin ni Cardo Dalisay.”
Excited na ba si Edu sa ‘patayan’, ‘paghaharap’ nila ni Coco?

“Alam mo parang bittersweet, eh. Excited dahil may patutunguhan na ang character ko. And at the same time, of course nandun ‘yung feeling na hindi ko na sila makakasama araw-araw. Hindi na kami magkikita tuwing 3 to 4 times a week.

“Of course, mara­ming susunod sa amin, maraming papalit sa amin na mga umalis, dahil may mga plans nga sila (Lito Lapid, Mark Lapid, Jhong Hilario).

“I would like to think na nu’ng panahon namin, kahit papaano nakatulong din kami sa programa,” sabi ni Edu na mahigit isang taon din sa Ang Probinsyano.

Feel na feel nga ang kaligayahan nila sa sa set, ha! Never naging bo­ring ang taping?

“Never! Never! Akala ng mga tao, yung iba kong nakakasama like si John Arcilla, mga seryoso, bisitahin niyo rin ang kanyang Ins­tagram, ‘yung kanyang Tik-Tok, nakakatawa siya.

“Si Gian Magdangal, ganun din. Si Mark Anthony Fernandez, nakakatawa rin, siya kasi ang bunso namin.

“Pero ‘yun nga, nagkaroon kami ng isang synergy, isang magandang samahan, na kahit natapos na ang trabaho, kami pa rin ang magkakasama. Hindi lang kami basta-basta kakain, may mga pinaplano rin kaming mga project.

“Si Gian, may Huling El Bimbo na play. At lahat kami ay pupunta para panoorin siya. That’s the kind of support, ang naging produkto nung pagsasama-sama namin sa Ang Probinsyano,” pahayag pa ni Edu.

Susuporta ba sila sa kandidatura mo?

“I never asked. Sa ­aking entire political life, ako ‘yung hindi makahingi ng tulong sa ibang tao. Kung may magu-offer, okey lang.”

Kunsabagay, kahit nga sa anak niyang si Luis Manzano, never niya itong inobliga na ikampaniya siya.

“Totoo ‘yon, na kahit sa mga anak ko, hindi ako humihingi ng tulong. Even though I know na hindi sila tatanggi. Pero, I guess, mas gusto ko ‘yung nagbu-volunteer sila. Kasi ‘yun ang lagi kong ginagawa noon, na kapag meron akong kandidato na pinaniniwalaan, talagang ako mismo ay tumatawag, nagbu-volunteer, in whatever na puwede kong itulong.

“I know my children are behind me, 110 percent, walang question. Kaya lang gusto ko lang na manggaling sa kanila.

“So, yan ang sabi ko ha, sa inyo dapat manggaling. Hahahahaha!” natatawang sabi na lang ni Edu.

Source From:https://www.abante.com.ph/nai-excite-sa-face-to-face-kay-coco-edu-mapait-matamis-ang-pag-alis-sa-ang-probinsyano.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi