Nakakaaliw mga kuwento ni Distrito

4 years ago 0 Comments

Defense Minister

Muling nagbalik sa laro ang Legends nitong June 28, Friday, sa Sta. Maria, Bulacan Industrial Park.

Ang mga nagsidatingan ay sina Allan Caidic, Bal David, Willie Miller, Vince Hizon, Marlou Aquino, Bonel Balingit at ang inyo pong ingkod.

Ito ay pabrika ng dating Ramcar at Motolite na ngayon ang ginagamit na pangalan.

Labis ang tuwa ng mga empleyado hanggang laruan at hapunan.

Maraming salamat kay Alex Daez at siyempre ang super boss na si Ma’am Ochie Oropesa.

***
Kinabukasan, June 29, Saturday, sa bihirang pagkakataon ay naging panauhin ng ‘Bantay Sarado’ online program ang isa sa nagpasikat sa Ginebra na si Rudy ‘The Destroyer’ Distrito. Kasama rin niya ang barkada niya from Bay Area, San Francisco businessman na si Gerard Espartero.

Nakakatuwa ang mga kuwento ni Dong sa programa lalo na nu’ng bagong salta pa lang siya sa Maynila galing Bacolod. Hindi marunong magtagalog at hindi pa kabisado ang pasikot-sikot sa Maynila.

Hanggang UE days, Crispa era at kay Coach Jawo.

***

Sa NBA update, may bagong ‘Big 3’ na nabuo sa Brooklyn Nets sa Eastern Conference. Ito ay sina Kevin Durant, Kyrie Irving at DeAndre Jordan.
Meron na namang makakalaban ang Raptors at Bucks nito sa kanilang division.

Ang Boston Celtics ay halos walang pinagbago mas­yado sa dahilang napunta sa kanila si Kemba Walker na kapalit sa pag-alis ni Kyrie.

Lakers ang siya ngayong tinatawag na super team sa West.

Hindi rin pahuhuli ang mga team na tulad ng Sixers na nagpalakas at Pacers at siyempre ang Milwaukee Bucks.

***
Sa kuwentong Gilas, dalawang talo na ang ating mga Batang Gilas. Ito ay sa laro ng Greece at Argentina.

Maganda naman ang laro ng mga bata kaso kulang lang sa consistency, aggressiveness at depensa. Ito ay magandang simulain para sa ating mga manlalaro.

Russia ang sunod na kalaban, sana makaisa man lang ang mga bata para meron silang isang alaala sa kanilang pagsali sa World Cup.

Kailangan ng maayos na nationwide search para sa mga future na Batang Gilas para i-train at i-develop ng SBP program.

Ako ay produkto ng PH training pool sa tulong ni da­ting Boss Eduardo Cojuangco, Jr.

Katakot-takot na tiyaga, pasensiya at tiwala sa mga bata para makita natin ang resulta. Hindi puwedeng magaling agad, ‘ika nga ‘Band Aid’ solution o ‘Quick Fix’.

Source From:https://www.abante.com.ph/nakakaaliw-mga-kuwento-ni-distrito.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi