Nakakatiis kahit walang sex (3)?

4 years ago 0 Comments

Dear Dra Holmes: (shortened April 29 letter)

Sa umpisa po ng aming­ pagsasama (married 11 years) masaya ang aming sex life. Nagsimula aming sex problem nitong 2015. Masakit po bilang babae n kapag ako ang unang ng aakit tinatangihan po ako ng asawa ko. Madalang n nga po kame mg sex. Sa isang lingo isang beses minsan s 2 beses sa isang buwan then once a month hanggang s nitong month na po eto wala ng nagyayari sa amin.

Ang lagi nya dahilan pagod sya (driver sya), masakit dw po itlog nya, ang tangi ko nlng ginagawa ay umiyak; hindi man lang sya ng sorry.

Ang pinakakatakot ko ay baka ngsasama nlng kme dahil s anak namin. Totoo b nakakatiis ang isang lalaki n walang sex ng isang buwan? Driver po siya, bumabyahe sya minsan hindi samin ntutulog.
Maeyet

Dear Maeyet:
Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish ng buo noong nakaraang Lunes, Abril 29. Sa huling kolum natin noong nakaraang Miyerkoles, Mayo 1, sinabi ko na ang posibilidad na makakatiis ang isang tao ng walang sex ay depende sa maraming bagay.

Dalawa sa pinakamahalagang bagay ay 1. Relasyon niya sa kaniyang partner (Nagmamahalan ba kayo? Mayroon bang nagbago?).

Kasama rin dito ang ang sex life ninyo bago nangyari ang pagbaba sa less than once a month; at 2. Gaano kasama ang karamdaman niya.

Mabuti siguro na magpa-chek up ang asawa mo tungkol sa masakit niyang mga itlog, hindi lang dahil sa epekto ng inyong sex life, pero para rin malaman kung ito ay sintomas ng mas malaking problema sa kanyang kalusugan.

Hangang-hanga ako sa iyo na hindi ka pumayag na maging balewala ang sex life ninyo.

Sa hirap ng panahon ngayon, ang pagnanasa at buhay sekswal ng isang mag-asawa ang iilan nalang na nakakabigay ligaya na walang gastos at hindi nakakasagasa sa ibang tao.

Ang buhay sekswal ay hindi limitado sa pagsisiping (heterosexual intercourse) lamang. Kung may problema sa isang bahagi ng katawan, marami magagawa para maging masaya pa ang sex life ng isang mag-asawa. Sana ay sulatan mo nanaman ako kung gusto mong malaman ang mga ito, dearest Maeyet. Ingat at Salamat—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes

http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin rin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook.

Source From:https://www.abante.com.ph/nakakatiis-kahit-walang-sex-3.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi