Nancy sa DILG,PCOO: Chacha roadshow budget gamitin sa…

3 years ago 0 Comments

Mas makakabuting gamitin na lang ng Department of Interior and Local Government at ng PCOO ang kanilang roadshow budget sa information drive ng COVID-19 at hindi sa pagkuha ng lagda para sa panukalang charter change, ayon kay Senadora Nancy Binay.

“Sayang po ‘yung milyun-milyong budget ng DILG at PCOO na ginagasta sa federalism roadshows na sana po ay sagot sa kumakalam na sikmura,” pahayag ni Binay sa isang statement.

“Ang priority dapat ng gobyerno ngayon ay solusyon sa problema, ‘di pirma sa cha-cha,” dagdag pa nito.

Sabi ni Binay, hanggang ngayon aniya’y naguguluhan pa ang publiko kung ano ang inaasahan at kung ang ginagawang paghahanda ng gobyermo sa transisyon mula sa modified enhanced community quarantine o di kaya’y general community quarantine patungo sa new normal.

Kailangan aniyang magtulungan ang PCOO at and DILG sa pagsasagawa ng malawakang information campaign para malaman ng publiko kung ano ang bawal at hindi sa transisyon mula ECQ patungo sa new normal.

“May krisis ‘di ba? Bakit cha-cha ang inuuna? Matagal na po nating sinasabi na we are at a crucial point where communication is vital in confronting a state of public health emergency. Mag-step up naman sana ang PCOO at DILG in elevating the ante in risk communication,” ani Binay.

“There should be a uniform standard information campaign na dapat nakalatag nang malinaw sa isang risk communication plan. Dapat ipinapaabot sa tao na seryosohin ang safety protocols. ‘Pag sinabing ‘social distancing’, ‘wag kang didikit o lalapit,” saad pa nito.

Ayon pa kay Binay, sa loob ng dalawang buwan puro presscon na lang aniya ang ginagawa ng PCOO at DILG at hindi man nakakagwa ng information material na ipapamudmod sa mamamayan.

“More than two months na puro presscon, pero wala pa ring flyers, primers, posters, infomercials na nagagawa ang PCOO o DILG para madaling intindihin ng mga tao ang protocols,” ani Binay.

“Dapat may hinahawakang booklet o manual na nakasulat ang mga dapat o di-dapat gawin,” wika pa nito.

Sabi ng senador, may malaking pondo ang DILG para sa kanilang Balangayan CORE roadhsow para sa 81 probinsiya para makalikom ng suporta sa isinusulong na federalism.

“Sana mas binigyan ng priority ang contact tracing capacities ng mga barangay. ‘Di po ito ang panahon para pag-usapan ang pederalismo. Ang mga nangangailangan po ng ayuda’t trabaho ngayon ay mga tao mismo,” ayon kay Binay. (Dindo Matining)

Source From:https://www.abante.com.ph/nancy-sa-dilgpcoo-chacha-roadshow-budget-gamitin-sa-covid-19.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi