Nanette Medved nagluluksa sa Amerika

4 years ago 0 Comments

Nagluluksa ang dating aktres na si Nanette Medved sa pagyao ng isa sa mahalagang miyembro ng kanyang pamilya. Naka-post sa Instagram ang ilang larawan ng dating Viva artist habang nasa Miramar National Cemetery, sa San Diego.

Nakasuot ng itim na pants, boots si Nanette.

Meron ding belo na itim ang kanyang buhok.

Kahit natatakpan ng malaking dark sunglasses ang mga mata nito, mababanaag pa rin ang pagluha nito. Sa ilang mga larawan ay may military service na masisilip. Ito ay dahil naging military service man ang ama ni Nanette.

“It was my father’s singular privilege to serve his country. I am eternally grateful that they honored him-until the very end. I would like to thank all the men and women around the world who serve to protect…because Freedom is not Free. I could not have asked for a more meaningful way to spend my Easter. God bless,” sabi ni Nanette.

Isa sa mga memorable movie ni Nanette noon ay ang “Darna.”

Source From:https://www.abante.com.ph/nanette-medved-nagluluksa-sa-amerika.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi