Napoles pamalit kay Abueva

3 years ago 0 Comments

Malaking kawalan pa rin si Calvin Abueva sa Phoenix, ramdam ito ng Fuel Masters.

Isa sa aspeto ng laro ng The Beast ang kanyang rebounding, bawat talbog ng bola sa basket ay kanyang hinahabol.

Naghahanap ng paraan si coach Louie Alas para mapunan ang butas habang hindi pa nakakabalik si Abueva mula indefinite suspension na pinataw ni PBA Commissioner Willie Marcial nitong Hunyo 2019.

”’Yung rebounding namin, offensive rebounding, sino ba’ng pinakamagaling du’n na nawala sa amin? ‘Di ba si Calvin?” lahad ni Alas. “I’m trying to fill that vacuum.”

Isa sa nakita niyang puwede si Jorey Napoles, kaya nabababad sa mga laro ng Fuel Masters sa Governors’ Cup.

“We want him to do Calvin’s job,” dagdag ng coach.

Ang 6-foot-4 na si Napoles ay 12th overall pick ng Phoenix nitong nakaraang draft. Siya ang unang player mula TIP na nakuha sa PBA rookie draft.

Siya na ngayon ang tinuturing na investment ng Fuel Masters.

Sa manipis na 86-84 win ng Phoenix kontra Rain or Shine nitong Miyerkoles, humablot ng tigatlong offensive at defensive boards si Napoles sahog sa kanyang 9 points mula 3 of 5 shooting, 1 for 2 sa 3-point range sa loob ng halos 25 minutes.

Sa panalo ay umangat sa 2-4 ang Phoenix, nasa seventh place. Hahabulin nila ang pangalawang sunod na ‘W’ laban sa NorthPort sa Smart Araneta Coliseum mamaya. (VE)

Source From:https://www.abante.com.ph/napoles-pamalit-kay-abueva.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi