National mental exec pumiyok sa coronavirus sinibak

3 years ago 0 Comments

Pinatalsik sa National Center for Mental Health (NCMH) ang isang opisyal nito na nagsiwalat sa publiko tungkol sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection sa nasabing pasilidad.

Batay sa Department Personnel Order No. 2020-1078 na may petsang Marso 9, 2020, nilipat si NCMH Chief Administrative Office Clarita M. Avila sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Pinas.

Epektibo agad ang paglipat kay Avila at pinagre-report ito kay Dr. Alfonso Villaroman, ang officer-in-charge ng DARTC-Las Pinas.

Nakasaad sa kautusan na aasistehan ni Avila si Dr. Villaroman sa pangangasiwa ng DARTC.

Nilagdaan ni Department of Health (DOH) Undersecretary Roger P. Tong-an ng DOH Administration and Financial Management Team, ang nasabing kautusan sa paglipat kay Avila.

Matatandaang isiniwalat ni Avila ang mga kaso ng COVID-19 sa NCMH kung saan dalawa na umano ang namatay sa nasabing mental health facility.

Source From:https://www.abante.com.ph/national-mental-exec-pumiyok-sa-coronavirus-sinibak.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi