Naubusan ng gimik:Alex kinuyog sa holdap prank

3 years ago 0 Comments

Hindi ko nagustuhan ang la­test vlog idea ni Alex Gonzaga. Nauubusan na ba siya ng gimik para ma-please ang kanyang mga subscriber?

Kung sino man ang nakaisip na manghol­dap prank sila ni Kuya Jobert ay dapat lang na sibakin, kastiguhin at i-unfriend.

Hindi po kasi talaga dapat ginagawang biro ang isang krimen, gaya nga ng pangho-hold up. Marami na ang na-trauma, nasaktan at minsan ‘pag minamalas ay namamatay dahil dito.

Wala bang nagpayo kay Alex sa mga posibleng kalabasan ng prank nila, na for sure ay marami ang nag-hit ng dislike button?

Ganito na lang ba ang ihahain ng makulit na si Alex sa kanyang mga subscriber na kamakailan ay pumalo na sa 6 million?

What’s happening on Alex’ mind? Nagiging bayolente na masyado mag-isip.

‘Di ba recently noong biniro siya ni Luis Manzano tungkol sa tunay niyang pangalan ay sinabihan niya itong “papatayin kita!” Tapos ngayon, naisipan naman niyang mangholdap.

That ain’t cute, Alex. In fact, foul pa nga. Sana ginagamit niyang venue ang kanyang vlog sa mas makabuluhang bagay at hindi para mapag-usapan lamang.

Umayos ka, Alex, dahil hindi ka na nakakatuwa, ha! )

Bretman Rock nanghina sa alindog ni Ivana

Lahat na lang ng nilalang sa mundo ay nahuhumaling kay Ivana Alawi.

Mapa-matanda, bata, lalaki, at maging mga bakla ay napapanganga sa kanyang alindog.

Ang kilalang social media influencer na si Bretman Rock, fan na rin ni Ivana. Hindi na nito naitago ang pagha­nga sa kagandahan ni Alawi kaya’t nag-message ito sa sexy actress.

“I was just wat­ching your YouTube Videos and I was like this bitch is so cute,” ani Bretman.

Napamura naman si Ivana dahil dito at nag-tweet ng convo nila at pinakita ang reply niya rito.

“Ahhhhhh Thank you!! This means so much to me. Syet I love you hope I could meet you soon,” sagot ni Ivana.

Sobrang fan din pala si Ivana ng fashionistang si Bretman. “My fan girl heart is screaming!!! @bretmanrock,” post pa ni Ivana sa kanyang Instagram.

Dahil diyan, collab agad ang sigaw ng mga netizen. Game naman dito si Ivana.

Melai natomboy sa kaseksihan ni Alawi

Nitong Lunes din ay naging guest si Ivana sa “Magandang Buhay” at nagkaharap na nga sila ni Melai Cantiveros, na nabalita noon na pinagselosan ng host dahil nakita nitong titig na titig ang asawang si Jason Francisco sa sexy photo ng bida sa upcoming teleseryeng “Ang Lihim ni Ligaya”.

Imbes na sabunutan ito, napanganga pa si Melai sa alindog at kagandahan ni Ivana kaya’t nasambit nito na crush niya rin ang sexy actress.

Kaselos-selos naman daw kasi umano ang kariktan ni Ivana, pero aminado naman siyang mabait naman ito.

Source From:https://www.abante.com.ph/naubusan-ng-gimikalex-kinuyog-sa-holdap-prank.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi