Navy officer sumalpok sa bus, todas

3 years ago 0 Comments

Nasawi ang ang isang miyembro ng Philippine Navy makaraang bumangga sa isang bus sa kahabaan ng Barangay Antipolo, San Antonio, Zambales kamakalawa nang gabi.

Ayon sa pulisya, ang Victory Liner bus na may plate number na AAQ2960 ay nasa linya pa-timog habang ang Kia Pride Sedan na may plakang THL 617 ay pahilaga, nang salubungin ng huli at kinain ang linya ng bus.

Kinilala ang driver ng kotse at nasawi na si F2DC Joseph Bill Ignacio, 26-anyos, taga-Zamboan­ga City, at miyembro ng Philippine Navy. Nagtamo ito ng pinsala sa ulo dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Dinala naman sa munisipyo ang bus at driver nito na nakilala si Joseph Mentor, para sa dokumentasyon at tamang disposisyon nito.
Wala namang napaulat na nasaktan sa mga pasa­hero ng bus. (Randy Datu)

Source From:https://www.abante.com.ph/navy-officer-sumalpok-sa-bus-todas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi