Netizen arestado dahil sa P50-M umanong pabuya sa pagpatay kay Duterte

3 years ago 0 Comments

MAYNILA – Inaresto ng National Bureau of Investigation ang isang netizen na nagpost sa social media ng P50 milyon umanong pabuya sa makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa source, inaresto sa Sta. Cruz, Zambales nitong Lunes ang hindi muna pinangalananang netizen na ngayo'y nasa kustodiya na ng NBI Main Office sa Maynila para sa inquest proceedings. 

Gamit ang isang pribadong social media account, nagpost umano ito na handa siyang magbigay ng P50-million na reward sa makakapatay sa Pangulo at nagdirty finger pa sa Presidente.

Burado na ang naturang Twitter post, subalit marami na rin ang nakapag-screenshot nito at hawak ng NBI ang mga ebidensiya. 

Kasabay nito, muling nagpaalala ang NBI sa netizen na maging responsable at maingat sa mga ipino-post sa social media lalo’t maaari itong makaapekto sa ibang tao. 

Dagdag pa ng NBI, mayroong umiiral na Cybercrime Prevention Act.

–Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/05/12/20/netizen-arestado-dahil-sa-p50-m-umanong-pabuya-sa-pagpatay-kay-duterte

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi