Ninong Norman Black bibinyagan si Parks

4 years ago 0 Comments

NINONG ni Bobby Ray Parks, Jr. si Norman Black. Sa May 19 sa MOA Arena, bibinyagan ni Black ang ina­anak – sa PBA.

Nakapirma na si Parks sa Blackwater, inaasahang sasalang ito sa opener ng Commissioner’s Cup.

Sa iskedyul na ini-release ng PBA, u­nang laro sa midseason tournament ang Elite kontra Meralco Bolts ni coach Norman Black.

Magkaibigan sina Black at Bobby Parks, Sr. pero magkaribal din noong late ‘80s sa kapanahunan nila sa pro league. Hindi kataka-takang kinuhang kumpare ni Parks, Sr. si Black matapos ipanganak si Ray-Ray noong 1993.

No. 2 pick overall ng Elite si Ray-Ray Parks noong 2018 Rookie Draft, pero hindi agad nakapaglaro dahil tinapos pa ang obligasyon sa San Miguel Alab Pilipinas na kumampanya sa ASEAN Basketball League.

Hindi pa nakakapag­laro sa PBA, maugong ang balita na ite-trade ng Blackwater si Parks sa Bolts. Pero nitong mga nagdaang araw, siniguro ng management na hindi ipapamigay ang 6-foot-4 guard na two-time UAAP MVP mula National U. (Vladi Eduarte)

Source From:https://www.abante.com.ph/ninong-norman-black-bibinyagan-si-parks.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi