MEMORABLE kay Dirk Nowitzki ang Oracle Arena, home turf ng Golden State Warriors sa Oakland.
Dito niya binutas ang una niyang basket bilang NBA player.
Nasa kanyang 21st season na si Nowitzki, 40, lahat sa Dallas Mavericks. Final season na raw niya ngayon.
Ilan sa kanyang career highs at lows, nangyari din sa Oakland.
Noong 2007, ginulantang ng Warriors ang 67-win Mavericks sa first round ng playoffs.
Sa sobrang gigil ni Nowitzki noon, binalibag niya sa pader ng visitors locker room ang isang bagay na nadampot. Hindi na raw niya maalala kung bangko o basurahan ang binalibag.
Hanggang ngayon, hindi pa nare-repair ang butas. Pagkatapos ng season ay isasara na ang Oracle Arena, lilipat na ng tahanan ang Warriors.
“Great memories, bad memories here,” ani Nowitzki pagkatapos ilampaso ng Mavs ang Warriors 126-91 nitong Sabado.
Sa kanyang posibleng huling laro na sa Oracle Arena, sa bihirang pagkakataon ngayong season ay nag-start si Nowitzki at umiskor ng season-high 21 mula sa 8 of 14 shooting kasama ang 5 for 8 mula 3-point range.
Source From:https://www.abante.com.ph/nowitzki-nagdabognakasira-sa-oracle.htm