Walang plano ang Malacañang na palawigin ang nationwide unilateral ceasefire sa mga rebeldeng komunista.
Ang ceasefire na nagsimula noong Marso 17, ay nagtapos nitong Abril 15.
“Tapos na po yung ceasefire. ‘Yan po ay natapos na at hindi pa nare-renew. Sa tingin ko naman, sa patuloy na pag-atake ng NPA (New People’s Army), ‘wag na po silang umasa siguro bagamat ‘yan pa rin ay desisyon ng ating Presidente,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nagbabala na si Pangulong Duterte na magdedeklara siya ng martial law kung patuloy na aatakihin ng NPA ang mga sundalong tumutulong sa pamamahagi ng food packs sa mga apektado ng coronavirus pandemic. (Prince Golez)
Source From:https://www.abante.com.ph/npa-wag-nang-umasa-sa-extension-ng-ceasefire-roque.htm