NPA walang patawad sa karahasan – Andanar

3 years ago 0 Comments

Kinondena ng Malacañang ang panununog ng mga rebeldeng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa apat na bahay at chapel sa Opol, Misamis Oriental.

Tinawag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang aksyon ng mga rebelde na isang karumal-dumal na gawain at hindi makatao lalo pa sa gitna ng coronavirus pandemic.

“It is disturbing and unforgivable that the CPP (Communist Party of the Philippines)-NPA, which claims to champion the common people, are the ones who blatantly disregard and violate the human rights of the poor folk,” ayon kay Andanar.

Tiniyak naman ni Andanar, na siya ring itinalaga bilang Cabinet Office for Regional Development and Security for Northern Mindanao, sa publiko na gagawin lahat ng gobyerno para iharap sa hustisya ang mga may kagagawan ng panununog sa mga bahay at chapel sa bayan ng Opol.

Ayon kay Andanar, makikipagtulungan sila sa pamahalaang lokal at mga ahensya ng gobyerno para mabigyan ng tulong ang mga apektado ng karahasan.

Imo-monitor din aniya ng gobyerno ang mga kaganapan hinggil sa insidente hanggang sa malutas ito. (Prince Golez)

Source From:https://www.abante.com.ph/npa-walang-patawad-sa-karahasan-andanar.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi