KINAKAILANGAN nang magbawas ng timbang ang isang opisyal ng gobyerno na ito. Ito’y dahil hindi na siya magkasaya sa pintuan ng Senado.
Ayon sa kuwento ni Mang Teban, naispatan niya ang government official na ito nang bumaba ito sa kanyang service vehicle.
Medyo nahirapan pa nga sa pagbaba dahil hindi kayang iangat ang kanyang katawan dahil siguro sa mabigat nitong timbang.
Dahil sa kabigatan, dahan-dahan lang ito sa kanyang paglalakad gayundin sa pagpasok sa entrance door.
Pero kailangan pa nitong tumagilid sa pagpasok sa entrance ng gusali ng Senado dahil isang bahagi lang ng pintuan ang binuksan kaya nahirapan itong makapasok sa loob. Sino siya?
Pintahan niyo na. Ang government official na hindi magkasya sa pintuan ng Senado ay Usec at may letrang S sa kanyang pangalan as in ‘siksik’.
Source From:https://www.abante.com.ph/opisyal-hindi-magkasya-sa-pinto.htm