OWWA sinita sa reklamong ‘over quarantine’ sa mga OFW

3 years ago 0 Comments

Hihingin ng Malacañang ang imbentaryo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na naghihintay pa rin sa resulta ng isinagawang coronavirus test sa kanila.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa mga natatanggap umanong ulat hinggil sa reklamo ng mga OFW na sobra-sobra na ang pananatili sa quarantine facility dahil sa bagal ng test resulta sa kanila.

“Hihingi tayo ng imbentaryo sa OWWA kung sinu-sino ang nag-aantay ng resulta [at] bakit ganun ka tagal,” ani Roque. “Palagi kong naririnig `yan at ako naman po at ang Presidente rin ay nagiging concern na dito dahil `yung mga OFW na nawalan ng trabaho ay gusto ng makauwi.

Titingnan umano nila kung paano mapabibilis ang proseso at aalamin sa imbentaryo ng OWWA kung ilan na ang napakatagal nang naghihintay ng resulta para matanong na rin ang mga COVID-19 laboratory kung kaya nila o hindi. (Prince Golez)

Source From:https://www.abante.com.ph/owwa-sinita-sa-reklam1ng-over-quarantine-sa-mga-ofw2.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi