P100K gamit ng pumanaw na Misamis ex-vice mayor nawala sa…

2 years ago 0 Comments

Bukod sa pagluluksa ng pamilya ni dating Opol, Misamis Oriental vice mayor Jeaneth Igloria-Seriña matapos niyang pumanaw dahil sa coronavirus sa New York City, nakadarama rin ito ng galit dahil sa umano’y hindi magandang pagtrato ng ospital sa kanila at nawawala pang gamit ng pasyente.

Ayon sa pamangkin nito na si Joanna Roa, nawawala diumano ang mahigit na P100,000 halaga ng gamit ni Seriña na dala niya sa Elmhurst Hopital nang i-admit dito dahil sa sintomas ng COVID-19 noong Marso 31.

Kabilang sa mga nawawalang gamit ng biktima ay Iphone11, Movado Watch at Michael Kors wallet.

Hindi rin daw makausap nang maayos ang mga nurse at doktor na in-charge kay Seriña tuwing tatawag sila para kumustahin ang sitwasyon nito sa ospital.

Naiintindihan naman daw ng kaanak ni Seriña na isa ring nurse, ang bigat ng trabaho ng mga medical worker sa frontline pero sana naman daw ay respetuhin nila ang damdamin ng pamilya ng mga biktima ng pandemic.

April 29 nang tawagan sila ng doktor sa ospital at ibalita na pumanaw na ang dating vice mayor na sampung taong naglinggod sa nasabing bayan.

Nang puntahan umano nila ang ospital, sinabing nawawala ang mga gamit ni Seriña. Kinausap daw nila ang nurse manager sa station kung saan nanatili si Seriña pero wala hindi din daw nila ito masagot.

Ang ipinagtataka pa ng pamilya, April 29 nang mamatay ito pero na-monitor nila na may nagbukas ng Iphone nito noong May 1.

Ini-report na ng pamilya sa New York Police Department ang insidente at nagsasagawa na ng imbestigasyon.

Ayon kay Joanna ramdam nila ang diskriminasyon mula sa ilang empleyado ng ospital na isang buwan din nilang kinimkim dahil sa pag-aalala sa kanyang tita na si Seriña.

Nualila nito ang kanyang dalawang anak na ang isa ay miyembro US army. (Dave Llavanes Jr)

Source From:https://www.abante.com.ph/p100k-gamit-ng-pumanaw-na-misamis-ex-vice-mayor-nawala-sa-nyc-hospital.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi