P2M shabu nasabat sa Makati City ng QCPD

3 years ago 0 Comments

Umabot sa P2 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba sa tatlong inarestong tulak sa kinasang buy-bust operation sa Makati City, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Ronnie Montejo, ang mga naarestong suspek na sina Angel Maris Bueno, 31; Maria Aira Caamic, 40; at Norberto Ortiz, 43.

Sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ni Bueno. Matapos ang surveillance ay agad na nagkasa ng buy-bust ang mga operatiba sa Prescillas Family Compound Brgy. Rizal, sa koordinasyon ng Makati Police.

Isang pulis ang tumayong buyer at umiskor ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000 kay Bueno.

Habang nagkakapalitan ng pera at droga, ay mabilis na naglabasan ang mga nakakubling pulis at agad na pinosasan sina Bueno, Caamic at Ortiz, habang ang isa pang kasama nila na nakilalang si Prescillas Viray Val, 39, ay nakatakas.

Nabatid na target ng Kamuning Police ang mga suspek na pawang nasa watchlist pero sa Makati City nakipagtransaksyon ang mga ito.

Maliban sa buy-bust money, nakumpiska sa mga suspek ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000.00 at tatlong cellular phone na ginamit sa transaksyon. (Dolly Cabreza)

Source From:https://www.abante.com.ph/p2m-shabu-nasabat-sa-makati-city-ng-qcpd.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi